Author Topic: Megan Young and Mikael Daez 'confirm' relationship through pictures  (Read 411 times)

erika

  • Director
  • ***
  • Posts: 3494
    • View Profile


Matagal nang usap-usapan ang relasyon nina Miss World 2013 Megan Young at Kapuso actor-TV host Mikael Daez. Bago pa man magwagi si Megan sa Miss World noong nakaraang taon, talk of the town na ang ka-sweet-an ng dalawa ngunit umiiwas ang dalawa na pag-usapan ang real score ng kanilang relasyon. Pagkatapos magwagi ni Megan sa Miss World, kung saan bahagi ng kanyang reign ay ang pananatili nito sa London, nagpunta pa doon si Mikael ngunit nanatili pa ring tikom ang bibig ng dalawa sa totoong estado nila pagdating sa pag-ibig. Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mikael nitong Nobyembre, umiiwas pa rin itong pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa ni Megan.

"MAKE EACH MEMORY AMAZING." December 7, Linggo, naging usap-usapan ang pag-post ni Megan ng larawan nila ni Mikael sa kanyang Instagram account. Sa naturang larawan, na tila silhouette, kita ang paghahalikan nilang dalawa. May nakasulat sa naturang larawan na "Make every moment count. Make each memory amazing." Ang tanging caption nito ay larawan ng isang puso.

« Last Edit: December 10, 2014, 06:39:34 AM by tricia_nikki »
OMG fashion lover

erika

  • Director
  • ***
  • Posts: 3494
    • View Profile
Pero bago pa ito, noong December 5, Biyernes, nauna nang nag-post si Mikael sa kanyang Instagram account ng larawan nila ng actress turned beauty queen na magkayakap na ang tanging caption lamang ay, "BW."


Ito na kaya ang senyales ng pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon?
OMG fashion lover

tricia_nikki

  • Global Moderator
  • Director
  • *****
  • Posts: 3256
  • Don't judge a book by its cover.
    • View Profile
Re: Megan Young and Mikael Daez 'confirm' relationship through pictures
« Reply #2 on: December 10, 2014, 06:41:51 AM »
bagay naman sila
Friendship is the art of reaching out and touching someone else's heart.

erika

  • Director
  • ***
  • Posts: 3494
    • View Profile
Re: Megan Young and Mikael Daez 'confirm' relationship through pictures
« Reply #3 on: December 11, 2014, 03:12:51 AM »
they also have chemistry :)
OMG fashion lover

Mikey Gatal Connection

Re: Megan Young and Mikael Daez 'confirm' relationship through pictures
« Reply #3 on: December 11, 2014, 03:12:51 AM »