Anne, mas sexy kay Marian – Katrina

  • 2 replies
  • 1169 views
Anne, mas sexy kay Marian – Katrina
« on: May 01, 2008, 07:56:57 AM »
Anne, mas sexy kay Marian – Katrina 
By: Gerry Ocampo 
Hot Shots

HINDI na matsutsugi ang Good Night Show ni Jojo Alejar sa QTV 11 dahil mismong siya na ang magpo-produce nito on weekdays.
   
Matatandaang naisulat namin minsan na baka matsugi na ito dahil walang pumapasok na commercial.
   
Pero nang makausap namin si Jojo sa MTRCB, kung saan official board member ang actor-TV host, sinabi niyang siya na nga ang producer nito.
   
Naikuwento rin ni Jojo na inalok siya ng ABS-CBN, pero tinanggihan niya dahil walang makitang dahilan para lisanin ang Q-11.         “Maganda naman ang ipinakikita nila sa akin sa QTV. Yes, inalok ako ng Dos, parehong oras at format. In short, walang babaguhin sa show,” esplika ni Jojo.
   
Ang kagustuhang makatulong sa mga baguhang artista at banda ang rason kaya nagdesisyon siyang i-produce na ang programa.

* * *

“LONG time-no see po,” bulong ni Angel nang makita kami sa birthday presscon niya sa 9501 resto nu’ng Linggo.
   
Mula kasi nang lumipat si Angel sa Kapamilya network, hindi na namin siya madalas makausap o ma-interview.
   
Anyway, wala naman kaming nakitang pagbabago sa aktres nu’ng makita namin sa naturang birthday presscon. Down to earth pa rin ito  at kasing bait pa rin nang makakilala namin years ago.
   
Ang wish daw niya, sana’y matigil na ang network war at magtulungan na lang ang lahat para sa ikagaganda ng local showbiz.
   
Kuntento raw si Angel sa pangangalagang ginagawa ng Dos.     Pagkatapos ng Lobo sa July, sisimulan na nila ni Piolo Pascual ang pelikula sa Star Cinema na kukunan sa ibang bansa.

* * *

NAKAUWI na si Sharon Cuneta pagkatapos ng ilang linggong pagsu-shooting sa London ng Caregiver.
   
Kuwento ni Shawie, first time niyang nagka-rashes dahil sa sobrang lamig sa London.
   
Na-homesick din daw siya at sobrang na-miss ang mga anak na sina Frankie at Miel.
   
Mahirap daw talagang malayo sa pamilya nang ganoon katagal, kahit pa nakasama niya roon ang husband na si Sen. Kiko Pangilinan ng ilang araw.
   
Ngayong narito na si Mega, posible na kayang magkita sila ng comebacking ex-husband na si Gabby Concepcion?
   
Sa pakikipag-usap kasi namin kay Gabo kamakailan, pinagdiinan nito na gagawa siya ng paraan para magkita at magkausap sila ni Shawie.
   
Gusto raw niyang personal na humingi ng tawad sa dating asawa para mapatawad na siya nito.

* * *

HINDI itinatago ni Katrina Halili ang paghanga sa kagandahan at kaseksihan ni Anne Curtis.
   
Wala raw siyang kamali-malisya sa pagsasabing mas seksi si Anne kesa kay Marian Rivera.
   
“Magkaibigan na kami ni Marian, pero ayokong magsinungaling. Mas seksi kasi sa paningin ko si Anne,” say ni Katrina.
   
Gusto pa nitong makasama si Anne sa isang project, pero mukhang imposible ito ngayon dahil Kapuso siya at Kapamilya naman ang rumored GF ni Sam Milby.
   
“Kahit wala akong kontrata sa GMA-7, ’di ko magagawang lumipat dahil loyal ako sa Kapuso,” esplika pa ni Katrina.
 

*

faye

  • **
  • 2861
  • bohol's pride
    • View Profile
Re: Anne, mas sexy kay Marian – Katrina
« Reply #1 on: May 01, 2008, 08:03:17 AM »
hehehehehh, mahilig ka pala sa showbizzz!
the best way to pay for a lovely moment is to enjoy it ever!

Re: Anne, mas sexy kay Marian – Katrina
« Reply #2 on: May 01, 2008, 08:05:15 AM »
hahahaha.nabasa ra nako na