Kontrobersiyal na aktres magaling magpa-awa effect sa telebisyon

  • 4 replies
  • 1274 views
Kontrobersiyal na aktres magaling magpa-awa effect sa telebisyon 
By: Ryan Ponce Pacpaco 
MAHILIG sa “paawa effect” tuwing lalabas sa telebisyon ang isang mahilig na aktres na mayroong masa-limuot na buhay pag-ibig, pinakabago ang sinasabing “punong-punong” pagmamahal na ibinigay dito ng isang pampublikong opisyal.

Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na mahusay umarte sa telebisyon ang aktres na parang isang eksena lamang sa pinilakang-tabing ang arte nito upang makuha ang awa ng publiko hingil sa kanyang mga kapalpakan.

“Makapal rin talaga ang mukha ng aktres na iyan.  Kahit bistadong-bistado na ang kanyang kalokohan, magpipilit pa rin iyang mamalimos ng awa at manisi ng iba,” anang source.

Nabatid sa source na pilit pinalalabas ng aktres na isa siyang biktima ng intriga ng mga taong walang magawa sa mundo kahit malinaw naman na personal na desisyon nito ang mga napasukang kahihiyan.

“Kahit kontrabida talaga ang role niya, pipilitin pa rin niyang maging isang bida na kinasisiyahan ng mga tao.  Kaya lamang talagang hate na siya ng audience,” anang source.

Inihayag ng source na talagang maluha-luha pa kunyari ang dating ng aktres na hindi makapagsalita sa harap ng publiko para lamang mapalabas nitong isa siyang api.

“Mukha lamang inaapi pero siya ang nang-aapi.  Mukha lamang siyang anghel pero kabaligtaran ang kanyang mga ginagawa.  Ikinahihiya siya ng kanyang pamilya,” anang source.

Magugunitang trip rin ng aktres na makipag-laplapan ng dila sa mga napupuntahan nitong party kahit sabihing maraming mga nakakakita sa kanyang kalaswaan.

Magugunitang hindi mapigil ng aktres na minsang naghabol sa isang senador ang espesyal na paggimik sa piling ng opisyal ni Pangulong Arroyo na nag-ukol dito ng “punong-punong” pagmamahal kahit nakaratay sa ospital ang kanyang mister. 

Re: Kontrobersiyal na aktres magaling magpa-awa effect sa telebisyon
« Reply #1 on: May 03, 2008, 10:04:28 PM »
deym.ayokong kinakaawaan ako.ayokong tawaging kawawa,tpos ang iba pala mahilig magpa awa effect..loss

Re: Kontrobersiyal na aktres magaling magpa-awa effect sa telebisyon
« Reply #2 on: May 03, 2008, 10:09:16 PM »
whahahahahhaha ;D

Re: Kontrobersiyal na aktres magaling magpa-awa effect sa telebisyon
« Reply #3 on: May 03, 2008, 10:10:21 PM »
yuckkkkk

mga artista tlga

Re: Kontrobersiyal na aktres magaling magpa-awa effect sa telebisyon
« Reply #4 on: May 03, 2008, 10:13:36 PM »
doon sila kumukita  eh! parang sa wowowee kagabi mag ina nag  duet sa  kanta.ang galing nila.